Buhay Mag-aaral
-Estudyante ngayon-

Bakit nga ba ‘di natin siyasatin ang mga gawaing ng mga estuyante (kabataan)??
Di’ natin masasabing “lahat ay my kalokohan” ,o “lahat ay nag sisikap”.
Unahin natin sa pagsisimula ng kanilang araw, karamihan, o marahil lahat ng kabataan o mga naging kabataan, as usual lahat naman dumadaan sa prosesong ito ,,haha
Sino pa ba ang di nasabihan sa atin na tayo’y “tulog mantika”
Wag na tayong magkaila. Minsan pa nga i-aalarm mo yung cp mo ng 4am or 5am,tapos magigising ka ng 6am, sa anong dahilan? Dahil sa kinaugalian nating.. “5 minutes pa” then “3 minutes nalang “ hanggang sa abutan ka na ng siyam siyam sa kama.
Dahil late ka nang nagising natural magpapaka-flash ka, mababa na sa sampung minuto yung pagligo mo, ligpit rito, ligpit ron.. sa pagmamadali mo di mo parin makalimutan ang pag a-update ng status sa facebook ,mag twee-tweet ka pa sa twitter, mag-ggm ka pa eh halos iisa lang naman ang laman na group message na isini-send mo. At higit sa lahat ittxt mo pa yung crush, syota o kung ano pa ang napupusuan mong tao.
Pagdating naman sa hapag-kainan para kumain ng breakfast, kakaupo mo palang, eh parang napakalaki na ng kasalan mo sa mundo, bara bang nalagyan ng bala yung caliber 45, na parang di na titigil sa kakaputak, este kakaputok. Makakarinig kang isang napaka habang dayalogo dahil lang sa di mo pagbangon ng maaga sa kama, Dahil late ka nang nagising natural magpapaka-flash ka, mababa na sa sampung minuto yung pagligo mo.
Paglabas mo ng bahay mag-aantay ka pa ng tricycle o kahit anong sasakyan papunta sa school nyo, at swerte ka kung my salamin sa sasakyan na yun, madalas kasi sa sobrang pagmamadali eh pati ang pagsusuklay at paglalagay ng polb (face powder) ay minamadali mo.
Naalala ko tuloy yung kwento ng classmate ko nung high school ako, nangyari na daw sa kanya ang pagmamadali, at dahil raw don’ ay nawala na sa isip niya ang tumingin sa salamin pagka-pahid nya ng polbo, at mas ninais nya na ring magsuklay habang papalabas siya sa bahay nila. Naghintay siya ng sasakyan papasok sa school, at pagkasakay nya sa tricycle nung tumingala siya at nakita ang salamin sa lood ng sasakyan laking gulat nya sa sarili niyang mukha,tumambad sakanya ang mukang hindi niya ina-akala, my makapal na poldo, messy na buhok, na para bang bagong gising na di nag-tanggal ng face mask.
Balik sa orihinal na topic , Pagdating ng mga kabataan sa school ano nga ba ang una nilang ginagawa,? Eto ung listahan , bahala na kayong sumangayon kung alin jan.
· Hahanapin ang mga kabarkada, makikipag kwentuhan muna habang hinihintay ang 1st period
· Uupo sa tabi, yuyuko. Titingala at sasabihing :”inaantok pa ko”
· Maghahanap ng kasama, mag-aaya sa canteen para mag breakfast
· Magtatanong kung anong assignment na isusubmit sa araw na yun, at muling magpapaka-flash
· Papindot-pindot sa cellphone
· Ikwekwento kung anong nangyari osinabing mga katxt nya Ikaramihan puro lovelife ang pinag-uusapan)
· Magre-retouch ,at meron pang tingin ng tingin sa salamin, tapos ang nakakatuwa pa, ung salamin na gamit ng isa ay dating side mirror ng sasakyan.
· Magpapahid ng gel [ang mga lalaki],na pag natanggal ay parang dandruff , at sa sobrang dami ay mapapakanta ka ng “oh holy night”
May iba ring hinahanap agad ang syota para makipagharutan
Haaayyy madaming ginagawa ang mga studyante pagdating sa school, at natural lang yun, pero natural din ba yung natutulala pag paparating na yung crush nila?
Pag-pasok ng prof. para sa 1st period dimaiiwasang may mga nahuhuli sa klase, at ang masaklap dun ay yung pagpasok na pagpasok mo eh natatamaan ka na sa parinig ng teacher nyo. (trust me nakakahiya, kahit di ko pa nasusubukan), papasabugan kang prof. mo ng mga katagang. “ang oras ay napakahalaga”, “nauubos ang oras mo dahil sa pag-aayos ng mukha”.
My mga panahon ding’ malulupit mag dasal ang mga kabataan, meron ung mag papaalam yung Prof.: “iiwan ko tong isosolve nyo ahh, makikilibing kasi ako sa kamag anak kong namatay”, taz biglang sasasot yung isang estudyante ng: “ sumama ka na sa ililibing ahh, nag iwan ka pa ng ipapagawa”. Meron din yung, sasabihin ng prof, na : “dapat 20 points yan eh,” tapos sasagot yung isang kabataan ng : “ eh kung 5 points lang kaya namin , wala kang magagawa”. Hay mga kabataan nga naman ngayon, kung makasagot eh wagas. Kung minsan di nga'y di sila nagpapansinan sa regular na klase pero pagdating ng exam "BHEST" na ang tawagan.. nagiging magkaramay samath quiz. para lang sagutan ang : factor. 2x-12y+6=0.
Hindi matatapos ang araw natin kung di natin nakikita oh , nasusulyapan yung mga crush natin. Magkaka-mabutihan , magkaka-palagayan ng loob, kung minsan ay nag kakasakitan, nagkaka-ayos ang iba, at tuluyang nawawalay sa isat isa ang karamihan. Siguro nga di pa natin kayang mag handle ng isang relasyon. Pero yung bat’ yung iba , sa sobrang tagal eh halos amagin na.
Iba’t ibang uri ng Kabataan, iba’t ibang pananaw, iba’t ibang ugali, Iba’t ibang pangarap.
May nagagawa mang di maganda,my pagsisisi rin”. Nawala man sa tamang landas, silay wag nating sisihin. Gusto naming ang ginagawa naming, may kalokohan man o wala, matino man o hindi, may mararating o wala. Payo ang kailangan ng mga kabatang katulad ko. Payong tatatak sa utak namin, payo’ng galing sa puso na guguhit ng panibagong pananaw sa puso namin.
nAitsiRk trEbor YaLi Oniv
(T.T) xD (*_*) (x,O) xP xOxO ****** =))